Mula sa Marxismo at mga Problema ng Lingguwistika
ni Joseph Stalin
Salin ni Mario Miclat
I. Ang wika ba ay superistruktura?
A. Base at Superistruktura
1. Base – istrukturang pang-ekonomiya. Relasyong pamproduksyon [2]. Mga halimbawa: pyudalismo, merkantilismo, kapitalismo, sosyalismo, komunismo.
2. Superistruktura – panlegal at pampolitika. Pananaw ng lipunan at mga institusyon nito. Mga kategorya: kultura, politika, batas, relihiyon, sining, pilosopiya.
3. Ang base ang nagtatakda ng superistruktura, ngunit ang superistruktura ay nakakaimpluwensya sa base.
B. Wika at Kapital
1. Ang wika ay hindi kabilang sa superistruktura o ang kabuuan ng superistruktura mismo sapagkat walang iisang baseng nagtakda nito.
2. Ito ay nag-ebolb at nag-iebolb kasabay ng maraming superistruktura at base sa loob ng mahabang panahon
3. Mas malawak at komprehensibo ang wika kesa sa superistruktura.
4. Kahalintulad ng kapital, ang wika ay pamamaraang pamproduksyon dahil hindi maka-uri ngunit mas malawak ang sakop nito.
II. Ang wika ba ay maka-uri?
A. Tinutukoy dito ang wikang pambansa, wikang panlahat o ang pambansang lingua franca.
B. Dayalekto at jargon
1. Ang wika ay maaring pagsilbihan ang iba’t-ibang uri.
2. Ang burgis ay maaring magpasok ng sarili niyang mga salita at expresyon sa wika. Ito ay magiging sosyolek o jargon dahil walang sariling istak ng mga salita at sariling sistemang pambalarila.
3. Sa pakikipag komunikasyon ng magkaibang uri ay gagamitin nila ang lingua franca.
C. Language convergence
1. May isang wikang naka-aangat na siyang magiging basehan ng wikang pambansa.
2. Sa paglaganap ng sosyalismo at pagkapantay-pantay ng mga nasyong sosyalista mabubuo ang isang wikang pandaigdig na hindi base sa iisang wika kundi pinagsama-samang wika at mga katingkaran ng mga katangian ng mga ito.
3. Ito ay ang global na bersyon ng linguistics convergence at universal approach.
III. Mga katangian ng wika
A. Penomenong panlipunan
1. Umiiral sa buong lipunan.
2. Instromento o medium pangkomunikasyon.
3. Katuwang sa produksyon.
B. Pundasyon ng wika
1. Bokabolaryo
a) Batayang istak ng mga salita – mga salitang-ugat
b) Materyales ng wika
c) Mabilis magbago.
d) Nadaragdagan dahil sa pagbabago ng base at superistruktura ngunit ang batayang istak ay nananatili sa mas mahabang panahon.Mga dahilan ng pagbabago:
(1) Kultura
(2) Moralidad
(3) Teknolohiya at siyensiya
e) Napapalitan ng kahulugan. Mga expresyon.
f) Nagiging obsolete ang iba.
2. Sistemang pambalarila
a) Koleksyon ng mga alituntunin ng wika
b) Mas mabagal ang pagbabago
c) Bumubuti, nagiging mas perpekto o mas espesipiko.
IV. Sanggunian
[1] georgiasomethingyouknowwhatever.wordpress.com
[2] http://massthink.wordpress.com/2007/06/03/the-base-and-the-superstructure/
No comments:
Post a Comment