Monday, August 25, 2014

Multo ng Tagalog 2

*Sagot sa isang die-hard fundamental na regionalist na tinawag akong "evil" dahil Tagalog ako at hindi pa marunong ng ibang wika sa Filipinas.

Basahin ang unang bahagi: Multo ng Tagalog

Hindi si Quezon ang pumili sa Tagalog para maging pambansang wika.

Magsisimula ang kasaysayan ng pagpili sa pambansang wika noong 1934 nang ginagawa ang Konstitusyong 1935. Sabi ng 1935 Konstitusyon, Article XIV:

Section 3. The Congress shall take steps toward the development and adoption of a common national language based on one of the existing native languages. xxx

Ang mga delegado sa Constitutional Convention ng 1934 ay binoto ng mga Filipino. 50 lamang sa 202 mga delegado ang galing sa mga probinsyang Tagalog at ang mga leader naman doon ay mga Cebuano kaya imposible na may monopolya ang Tagalog sa Kumbensyon ng 1934. 96% ang naging boto para aprubahan ang Konstitusyong 1935 sa isang national referendum. Walang monopolya ang mga Tagalog sa isang national referendum.

Sunday, August 24, 2014

Multo ng Tagalog

Kung sa mga linguistic test, totoo na ang Filipino at Tagalog ay iisang wika lamang dahil wala pang masyadong pinagkaiba (mutually intelligible, parehong grammar, at napakalapit na lexicon). Pero totoo nga ba?

Ang kailangan lang natin malaman, sa depinisyon at sa batas, ang Filipino ay maaaring maging iba sa Tagalog. Ang Filipino ay "gawa-gawang" (synthetic/ nang dahil sa batas) wika lang naman e. Isang proyekto kumbaga. Ang proyektong Wikang Pambansa na tinawag na Filipino. Hindi pa natin naaabot yung Filipino na gusto natin kaya nga ang tingin natin parang pareho pa rin yung Filipino at Tagalog.

Saturday, August 2, 2014

Marxismo at Wika sa Lipunang Filipino

*unang iniulat noong Agosto 2011

Mula sa Marxismo at mga Problema ng Lingguwistika
ni Joseph Stalin
Salin ni Mario Miclat

I. Ang wika ba ay superistruktura?



A. Base at Superistruktura
1. Base – istrukturang pang-ekonomiya. Relasyong pamproduksyon [2]. Mga halimbawa: pyudalismo, merkantilismo, kapitalismo, sosyalismo, komunismo.
2. Superistruktura – panlegal at pampolitika. Pananaw ng lipunan at mga institusyon nito. Mga kategorya: kultura, politika, batas, relihiyon, sining, pilosopiya.
3. Ang base ang nagtatakda ng superistruktura, ngunit ang superistruktura ay nakakaimpluwensya sa base.