Sunday, December 29, 2013

Qualitative Analysis of Students for Delaying Boredom During Rush Hour

*originally submitted to The Diliman Files on Nov 8, 2013 and posted on Dec 28.


paunang-sulat: Unang linggo palang ngunit tatlong gabi na 'kong puyat kahit wala pang paper. Kasalanan ng TDF. Gaganti ako. Magcocontribute lang pala ako :P


pinoyadonis

College of Engineering, University of the Philippines - Diliman
pinoyadonis1@gmail.com

ABSTRACT Tuesday ng umaga. Nakasabit ako sa jeep mula pa sa Tikling. Nagdalawang sakay na ko mula amin para lang makapasok. Minsan kalahating oras rin yun kaya 'pag nabobore na 'ko sa bagal ng trapik kinakausap ko na lang sarili ko. O kaya kung gwapo yung isa pang nakasabit, hini-hit ko sya. Effective naman pampalipas trapik at manhid ng kamay.

Keywords: eng'g, crush, chk, bi/gay

INTRODUCTION Pag mag-isa lang akong nakasabit, kumakanta ako. Wala akong paki-alam kung marinig na nung mga nasa loob. Joke. Di naman malakas. O kaya nilalanghap ko na lang lahat ng usok galing mga tambutso.

Madalas tinitignan ko yung mga tao sa loob. Lalo na yung dalawang nasa bukana kung tulog na. Cute nung mga naka TIP o FEU uniform e. Pero sa araw na yun walang natutulog. Gising sya at nakikipag-usap sa isang girl na katapat nya. Di gwapo pero cute naman. Naka braces ata sya at panay ngiti habang nakikipag-kwentuhan.

Sa takbo ng usapan nila, mukhang highschool classmates silang dalawa na long-time-no-see dahil magka-ibang school pumasok nang college. Anyways, 'di naman ako masyadong interested kay girl. Nasa may Mcdo Marcos Hi-way na nang may bumaba kaya naka-upo na rin ako sa wakas. Tumabi ako kay girl.

Naka La Salle Antipolo shorts si guy. Moreno. Lean. At sobrang defined nung calves. Nagkamustahan silang dalawa ng mga friend sa highschool. Sa UP rin pala nag-aaral si guy. Bumaba na si girl sa LRT Santolan. Bumaba naman ako at si guy sa Petron Katipunan. Nagpatuloy ang buhay ko nang araw na yun at ng mga sumunod na araw.

METHODOLOGY Friday ng hapon. Maraming nang naghihintay na pasahero sa ilalim ng Katipunan flyover. Pahirapan na naman makasakay ng jeep pauwi. Sabit na naman ang peg ko nito. At ganun nga ang nangyari. Nagulat ako! Di ko lang pinahalata. Dalawa kaming sumabit sa Angono jeep ni cute lean moreno guy. Hihi.

"UP ka rin dba?" nasa Barangka na kami nang magkalakas ako ng loob magsimula.
"Oo"
"Anung course mo?"
Sinabi nya. Taga-CHK sya.
"Ikaw?" tanong naman nya.
Sinagot ko naman sya. Nagtanungan kami ng pangalan pero nakalimutan ko na pangalan nya. Nagkwentuhan pa kami ng konti tungkol sa mga course namin.

May bumaba agad sa Major Dizon. Nagkatinginan kami ni guy at nagkangitian.

"Umupo ka na," sabi nya.
"Ikaw na lang umupo," sabi ko.
Di ako nagpatalo kaya siya unang pumasok.

RESULTS AND DISCUSSION Di naman ako nagtagal ng pagsabit dahil may bumaba ulit sa SM Marikina. Nakatabi ako sa kanya. Nagkwentuhan pa kami ng konti tungkol sa buhay byahe at school. Nagboboarding house pala sya (or something). Minsan lang pala kami pwedeng magkasabay. Soccer varsity ata sya.

Malapit na kami sa subdivision nila makalipas ang halos isang oras. Nagpaalam na sya. Magkita na lang siguro ulit kami sa byahe o sa campus. Bumaba na sya sa Golden City. Di pa rin ma-explain kung bakit ang mga nakakasabay ko na cute at gwapo sa jeep ay dun lahat nakatira, or at least bumababa. Baka nasa El Dorado ang Fountain of Youth.

Di na kami ulit nagkasabay o nagkita.

REFERENCES
[1] Pinoyadonis. The Diliman Files, 28 Dec. 2013. Web. 29 Dec. 2013. <https://www.facebook.com/updconfessions/posts/626443044079168>.

No comments:

Post a Comment