Sunday, September 7, 2008

Time I: The Apparent Time


Seniors’ orientation na. And weird ng pangalan at kung bakit kailangan pa ulit naming mag-orientation eh pang-apat na taon na namin yun. Basta, last orientation na naman kaya pupunta na rin ako kahit nakakatamad. Pati nakakamiss din ang school tuwing summer. Siguro yun talaga ang dahilan kaya naming pinagtitiisang pumunta ng mga orientation.
Naglalakad na naman ako sa front lobby. Ang feeling na kakaiba at minsan ko lang maramdaman. Pumunta muna ako sa canteen. Halos wala akong nakasalubong papunta dun at wala ding tao dun. Nang papunta na ako sa auditorium, nakasalubong ko si Lyn sa may back lobby.

“Intayin mo 'ko magwawashroom lang ako,” sabi ni Lyn ng naka-ngiti.

“Oo,” ang sabi ko ng naka-ngiti na rin.

NagCR din ako. Pagkatapos ko ay inintay ko pa sya pero ang tagal nya. Siguro akala nya iniwan ko na sya kaya nauna na sya. Pumunta na ako ng auditorium. Pagdating ko ng third floor marami na akong nakitang batchmates namin sa may labas ng auditorium. Nakita ko na ulit si Lyn dun. Magkasama kaming humanap ng upuan pero dahil puno na ang auditorium ay sa floor na lang ako umupo sa tabi nya.

“Samahan mo ‘ko mamaya ha?” tanong ni Lyn sa akin.

“Saan naman?” tanong ko.

“Sa Trinoma, bibili ako ng sapatos.”

“Sige.”

Pagkatapos ng orientation, nagtaxi kami ni Lyn papuntang Trinoma. Sa may foodcourt kami unang pumunta. Lunchtime na rin naman kaya gutom na ako. Bumili ako ng siomai with rice pero si Lyn softdrink lang ang binili kasi hindi daw sya nagugutom. Naghanap kami ng upuan at nakita namin ang mga classmates namin last year kaya dun na kami nakiupo. Pagkatapos naming kumain bumili na sya ng sapatos sa Landmark. Tapos sabay na rin kaming umuwi.

NagMRT kami ni Lyn mula NorthEdsa hanggang Cubao at nagLRT naman mula Cubao hanggang Santolan. First time ko sasakay sa LRT. Ang dami naming dinaanan bago makapunta sa Cubao station ng LRT. Bakit naman kasi hindi na lang magkatabi yung dalawang istasyon para madaling lumipat. Palagi naman daw sila dun dumadaan kapag sabay silang umuuwi ng isa pa naming batchmate.

Pagdaan namin sa Gateway bago kami tumaas ng escalator tinuro nya yung Figaro na pagumuuwi daw sila palagi silang may nakikitang dalawang lalaki na sabay kumakain dun. Nang makarating na kami sa Santolan, sabi ko sa kanya na sa Sta. Lucia na ako sasakay. Marcos Hi-way na naman yun. Sabi naman nya na magFX nalang kami para bumaba na ako ng Sta. Lucia.

Ang kanilang subdivision ay lagpas pa ng konti dun. Ang tagal ng FX kaya sabi ko magjeep na lang kami pero sa FX pa rin kami nakasakay. Nagtext ang daddy nya na sa Robinsons East na lang daw sya susunduin. Kaya pareho kaming dun na bababa.

Nang makarating na kami ni Lyn ng Robinsons East, na katabi na ng Sta. Lucia, naglibot-libot muna kami sa loob. Tapos tumaas kami sa sinehan at umupo sa may bench. Nagtext ulit ang daddy nya na malapit na daw sya pero matagal pa kaming nagintay. Nagkwentuhan muna kami.

“Eh paano naman ako uuwi. Rush hour na. Trapik na dyan sa Felix Avenue former Imelda Avenue,” reklamo ko.

Natawa si Lyn, “kaya siguro matagal si daddy.”

“San ba yun manggagaling?”

“Sa Ortigas.”

“Wow.”

“Malayo pa ba yun?”

“Syempre.”

“Tignan mo yung poster,” tinuro ni Lyn.

“Alin?” lumingon ako para hanapin yung tinuro nya.

“Yun oh. Yung may tatlong lalaking nakahubad.”

“Ah,” sabi ko. Poster pala ng now showing yung tinuturo ni Lyn.

“Anong title nun? Boy Culture?”

“Alam ko na. Manunuod muna ako ng sine habang natatrapik sila sa labas,” tumawa ako.

“Manunuod ka talaga?”

“Oo nga. Gusto mo, sama ka?”

“‘Wag na. Ayoko.”

Tapos nagutom na kami. Bumaba kami sa Mcdo at bumili ng frenchfries at softdrinks. Lumabas na kami para magintay hanggang sa dumating na ang daddy nya.

First time kong manunuod ng rated eighteen sa sinehan ng mag-isa at sixteen pa lang ako. Matagal pa naman ang next show – last full show – kaya naglibot-libot muna ako. Hindi ko makakalimutan na dito binili ang necklace ko.

Bumili na ako ng ticket at pumasok agad sa sinehan dahil nagstart na daw. Pagpasok ko ay may mga staff at guard na nakatayo at nanunuod sa may entrance. Kakastart pa lang pala. Halos walang tao. Ang una kong napansing nakaupo ay isang lalaki sa gitna sa taas. Umupo ako malapit sa kanya, sa kaliwa sa likod. Lumingon-lingon ako. Tumayo at tinignan kung may tao sa baba. Kaming dalawa lang pala ang nanunuod maliban sa mga staff at guard na nasa may entrance pa rin at nagkekwentuhan pa.

Tumingin sa akin yung lalaki. Sya pala yung nakita ko kanina na bumili ng ticket. Mga nineteen na siguro sya. Average built at gusto kong hawakan ang buhok nya. Sino naman ang magaakalang para dito yung binili nyang ticket kanina. Umalis na yung mga staff at guard. Nagtetext yata sya at kumakain ng popcorn. Siguro iniintay nya ang kasama nya. Pinindot ko ang button sa relo ko para umilaw ang backlight.

Tinignan nya ulit ako. Lumipat ako ng upuan, dun sa may likod nya. Pinindot ko ulit ang relo ko. Tumingin ulit sya sa akin. Tumingin sya sa relo nya, pinindot nya at umilaw. Nagulat ako. Pareho kami ng relo at pati kulay. Tumayo sya at umalis.

Aalis na rin ako. Hindi ko na tatapusin ang palabas. Habang paalis ako, bumalik sya at umupo sa may harap ng konti. Lumabas pa rin ako at pumunta ng CR. Bumalik ako at tinignan ko kung nandun pa sya pero wala na sya.

No comments:

Post a Comment